PAGBIBIDAHAN ng apat sa pinakamahuhusay na teen stars ngayon na sina Jane Oineza,
Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas ang pinakabagong horror masterpiece ng RegalEntertainment Inc. na “Haunted Forest” na mapapanood na sa mga sinehan nationwide
simula ngayong Pasko (December 25) bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF)
2017.
Matapos ang kani-kanilang markadong pagganap sa TV at pelikula, handang-handa na sina
Jane, Jameson, Maris at Jon na ibahagi sa publiko ang iba pang kaya nilang gawin bilang
mga aktor.
“Malaking challenge but at the same time, big blessing po para sa aming lahat ang ‘Haunted
Forest.’ Challenge, because it’s the only horror film in the MMFF lineup and it’s a Christmas
blessing dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng
almost 60-year legacy ng Regal. Anuman ang generation natin, halos lahat ng Pilipino ay
laking Regal movies katulad ng classic films na Aswang, Tiyanak, Haunted Mansion, and
most of all, the Shake, Rattle, and Roll series,” pahayag ni Jane na tinagurian nang
“Princess of Horror Movies” dahil sa mahusay niyang pagganap sa magkakasunod na horror
films na pinagbidahan niya.
Bukod sa kanyang horror roles, higit na hinangaan ng mga manonood si Jane nang
magkamit siya ng finalist certificate mula sa New York Festivals 2013 at nomination sa
41 st International Emmy Awards para sa kanyang pinagbidahang Maalaala Mo Kaya episode
noong 2012.
Katulad ni Jane, todo-buhos rin sina Maris, Jameson at Jon sa paghasa ng kanilang galing sa
pag-arte. Noong nakaraang taon, umani ng papuri si Maris sa markado niyang pagganap sa
pelikulang “Vince and Kath and James.” Samantala, pinatunayan naman nina Jameson at
Jon (na kapwa miyembro ng Hashtags, ang sikat na boy group ng It’s Showtime) na hindi
lamang sila sa sayaw humahataw kundi maging sa larangan ng independent films.
“Sa ‘Haunted Forest,’ bagong Jane, Maris, Jameson at Jon naman ang makikilala ng
madlang people. Dito, hindi lang kayo matatakot at kikiligin, may family values rin na
ituturo sa atin ‘yung mga character ng film. At dapat ring abangan kung sino si Sitsit na
siguradong hinding-hindi natin malilimutan pagkatapos manood ng aming pelikula,” ani
Jameson na other half ng pinakabagong love team ngayon, ang JaneSon.
Bukod sa Regal teen stars, bahagi rin ng supernatural teen horror na “Haunted Forest” ang
mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok rin sa cast sina
Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, Fiona Yang
at Kelvin Miranda.
Sa ilalim ng direksyon ng international award-winning director na si Ian Loreños, iikot ang
kwento ng “Haunted Forest” sa mag-amang Nica (Jane) at ang pulis Maynila na si Aris
(Raymart) at sa mga bago nilang makikilala nang madestino si Aris sa probinsya. Paano
babaguhin ng isang misteryosong gubat ang buhay ng mag-amang halos wasak na ang
samahan? Sino ang kinatatakutang “Sitsit” na susubok sa tibay ng samahan ng
magkakaibigang Nica, Mitch (Maris), RJ (Jameson) at Andre (Jon)? Sa huli, matutuklasan ba
ni Aris ang lihim sa likod ng kinatatakutang gubat?
Humiyaw! Manginig! Umibig. Matuto. Sa trailer pa lang ay masasabing sadsad sa takutan
and pelikula. Mapapanood ang trailer sa Facebook ng Regal Entertainment Inc at Youtube
Chanel sa Regal Cinema. Huwag palampasin ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa MMFF
2017, “Haunted Forest” na mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa sa December 25! Rated PG
by the MTRCB na mapapanood ng buong pamilya, barkada at mga kaibigan ngayong pasko.
Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "Haunted Forest,"
bisitahin lamang ang mga official social media accounts ng
Regal: Facebook.com/RegalEntertainmentInc/, Twitter.com/regalfilms,
Youtube.com/RegalCinema at www.instagram.com/regalfilms50.
No comments:
Post a Comment