Sa una light lang eh, inintroduce yun character ni Patty(Sharon) na may problema sa trabaho at pamilya. Naghiwalay na sila ng asawa nya si John Estrada, kaya ang anak na lang nya na si Julia ang kasama nya sa buhay. She is celebrating her 50th birthday nang gabing makilala niya si Cocoy (Robin). During her birthday celebration nasurprise siya when she saw her husband kissing another girl, so nagpakalasing siya then nagkamali siay ng pinasukang hotel room, kay Robin siya nakatulog, which is her highschool batchmate and biggest admirer. Tapos naging magkapitbahay pa sila so dito na nagstart ang katatawanan since ayaw ni Sharon kay Robin. then si Joshua na pamangkin ni Robin, ay nagakagusto naman kay Julia.
Grabe ang kilig sa sinehan talaga lalo na nun hinaharana ni Robin si Sharon (lip sync since si Joshua kmkanta), madaming kilig scenes like yun pagsakay sa motor, yun practice nila for the reunion, pero ang pinaka favorite ko yun naguusap sila sa phone hanggang makatulog,basta panorrin nyo na lang paano??!! hahaha. Magaganda lines, nakakakilig like nun nagppractice sila ng sayaw
Patty: Baka mahulog ako
Cocoy: yun nga hinihintay ko, ang mahulog ka..sa akin.
Patty: Adik
Cocoy: sa'yo...
So ayun na nga nainlove sila sa isat isa until the conflict comes when Patty's mother ay ayaw kay Cocoy, then yun husband ni Patty gusto rin makipagbalikan. Grabe yun tipong tinodo ka nya sa saya at kilig, hindi mo namamalayan hulog ka na pala sa kwento nila Patty at Cocoy kaya nun dumating yun movie conflicts, sapul! wawasakin nya talaga yun emosyon mo. ang sakit sakit lalo na nun maghihiwalay sila. Nakakaiyak si Robin lalo na nun sinabi nya na "Ano mo ba ako? ano ba tayo? Kahit baligtarin natin ang mundo, hindi ako ang para sayo. Huwag mong gamitin ang nanay mo na excuse hindi ka na 15. Mahal kita pero sarili mong laban yan" kasi parang masyadong mataas standards ni Sharon. Grabe nakakaiyak tong part na to. Pero ang pinakafavorite ko yun message ni Patty during the reunion. Success cannot be measured by material things and money you have. Inner peace, happiness,allowance for mistakes, and contentment ang mahalaga. Overall, ang ganda ng movie, ang ganda ng story, ng mensahe, no dull moments.tatawa ka, kikiligin, at maluluha sa movie. Ang galing din ni Joshua at Julia, hindi sila nagpahuli when it comes to acting. Parang Claudine sa movie na "Anak" ang acting ni Julia, magaling. si Joshua naman eh mahusay magpakilig, nakakatawa din siya. Very entertaining movie. Hindi masasayang ang time and money nyo when you watch it in cinemas.
"Unexpectedly Yours" Now Showing in Cinemas Nationwide.
No comments:
Post a Comment