Sino ang mag-aakala na ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ay bigla na lang manghihiram ng ₱4 milyon—on the spot—mula sa Founder at President ng kilalang luxury brand na Maddox Jewelry?
Ito ang nakagugulat na tagpo nang lapitan ni Ai-Ai ang founder at president na si Charo Cordial at diretsahang nagbiro (o seryoso?) ng multi-milyong halaga. Sa sobrang kapani-paniwala ng Comedy Queen, kapansin-pansin ang pagkabigla at tila pagkailang ni Ms. Charo habang tuloy-tuloy ang pangungulit ni Ai-Ai—na para bang walang cut, walang script, at walang warning!
Pero ang tanong: seryoso nga ba si Ai-Ai o isa lamang itong witty prank na swak sa kanyang signature humor? Alamin ang buong kuwento sa YouTube channel ng Maddox Jewelry:
https://youtu.be/5X1ozNedw3g?si=yjzA_1X9GjwRemVs
Gayundin sa kanilang TikTok (maddox.luxury) at Facebook (D Maddox Jewelry).
Sa kabila ng nakakakilig at nakakagulat na eksena, napahanga rin si Ai-Ai sa dagsa ng customers sa showroom ng Maddox Jewelry sa AZDM Building, 1011 J.P. Rizal Street, Concepcion Uno, Marikina City. Kung sa physical showroom pa lang ay puno na ng buyers, paano pa kaya sa kanilang online selling—na nagsimula lamang anim na taon na ang nakalipas ngunit mabilis na sumikat?
Mas lalo pang na-amaze ang Comedy Queen nang malaman na ang paborito niyang singsing na madalas niyang isuot ay orihinal palang likha ng Maddox Jewelry. Para sa kanya’y simpleng everyday piece lang ito—ngunit sa totoo, mataas na pala ang halaga at kalidad nito.
Kilala ang Maddox Jewelry sa pagbibigay ng tunay na diyamante sa mas abot-kayang presyo, dahilan kung bakit patok ito hindi lamang sa celebrities kundi pati sa mga practical na mamimiling naghahanap ng tunay na luxury na may value for money.
Habang namimili ng mga bagong alahas, naging masaya at makulay rin ang chikahan nina Ai-Ai at Ms. Charo—na bukod sa pagiging pinagkakatiwalaang diamond jeweler ay isa na ring content creator na malapit sa puso at kuwento ng kanilang celebrity clients. Isang meet-up na puno ng kulitan, sorpresa, at kinang—literal at figuratively!

No comments:
Post a Comment