Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]

Bihira ako mapahanga sa mga pinoy action movie pero nagustuhan ko ang bagong pelikula ng Imus Production na ‘TRES’.

Revelation ang Revilla Brothers na sina Bryan, Luigi, at Jolo dahil sa mahusay na pagganap sa pelikula. Lahat ng emosyon ay ipinakita sa pelikulang ito at pinatunayan ng magkakapatid na hindi lang charm ng kanilang ama na si Senator Bong Revilla ang nakuha nila kundi pati ang galing sa paggawa ng action movies at pag-arte kuhang kuha nila.

Ang Tres ay isang socially relevant na trilogy na lumalarawan sa ating lipunan na dinirehe nila Don Don Santos at Richard Somes. Napapanahon ang pelikula lalo na maigting ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Pinagbibidahan ni Jolo Revilla ang 72 Hours at ito ay mula sa direksyon ni Don Don Santos at sa panulat ni Ayi Tamayo. Naka-sentro ang pelikula sa isang grupo ng mga operatiba ng PNP at PDEA na natakasan ng nadakip na drug syndicate leader mula sa Tsina. Puno ng pasabog ang episode at halatang pinagkagastusan ang produksyon. Solid ang supporting cast na pinangungunahan ng mga beterano sa action na sina Philip Salvador, Tirso Cruz at Albert Martinez. Kuhang kuha ni Jolo ang galaw ni Bong, at bagay sila ni Rhianne Ramos sa pelikula.   

Sa Amats naman, ay pinagpibidahan ni Luigi Revilla at ito ay dinirek din ni Don Don Santos at sinulat ni AYI Tamayo. Iikot ang pelikula sa kwento ng isang batang lalake (Luigi Revilla) na kakapit sa isang grupo ng mga drug pushers at mga adik dahil sa kahirapan. Big revelation saken si Luigi dahil hindi halatang bago sa showbiz. Sadyang pagpapatunay na nasa dugo ng Revilla ang showbiz. Charming sa screen si Luigi at bagay na bagay sa kanya ang role. Nakakakilig yun episode nya at sympre hindi mawawala ang aksyon – Martial Arts ang pinakitang skill ni Luigi sa pelikula. 

Mula sa direksyon naman ni Richard Somes at sa panulat ni Byron Bryant ang Virgo na pinagbibidahan ni Bryan Revilla. Naka-sentro ang pelikula sa isang PDEA undercover operative na gumawa ng hot operations sa mga Chinese drug traffickers at mga local na bosses. Nakakaproud ang acting ni Bryan sa pelikula lalo na sa dramatic scene niya. Napakahusay ng kanyang pagganap at may lalim ang acting skill nya. 

Straightforward ang pagkakakwento ng pelikula kaya madaling sabayan at mabilis ang pacing ng pelikula kaya walang tapon na eksena. Mahohook ka sa simula pa lang ng pelikula kaya ang hirap bitawan ng panonood.

Hindi lang ang mahuhusay na stunts at ang dami ng explosives ang dapat abangan, maayos rin ang choreography ng mga action scenes, madugo at non-stop ang bakbakan. Bawat episode sa pelikula ay may kakaibang panlasa kaya hindi ka magsasawang panoorin dahil magkakaiba sila ng istorya. Sakto ang haba ng bawat episode at sulit na sulit dahil para kang nanood ng tatlong pelikula sa isang sine.

Ipapalabas na ang TRES sa mga sinehan simula October 3.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib