Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Last Monday, ginanap ang pocket presscon ng “Wonder Bra”, ang pelikulang pinagbibidahan ng Former PBB Teen Grand Winner na si Mytle Sarrosa sa isang restaurant sa QC. Dinaluhan ito ng mga Press people at ilang celebrities na tampok sa pelikula tulad nila Zeus Collins, Lassy, at Brian Gazmen.

Iikot ang kwento ng pelikula kay Barbara played by Myrtle, who turns into a superhero kapag suot nya ang magic bra. Kasama rin sa pelikula ang Dental Diva na si Cacai Bautista who will play as Myrtle’s alter ego. Ahron Villena will play as Barbara’s love interest. Matatandaan na nagkaroon noon ng hidwaan sina Cacai at Ahron ng magbiro si Cacai sa sexuality ni Ahron but they remain friends now.

Makakasama rin sa pelikula si Zeus Collins bilang ang probinsyanong si Sinon. Siya ang nagbibigay saya sa mga tao sa kanilang barrio dahil sumasayaw siya habang naliligo sa sapa.Sa totoong buhay ,pangarap rin magkaroon ng superhero role ng gwapong miyembro ng Hashtag. Ayon sa kanya, si Capt. Barbell ang gusto niyang maging role at ang crush niyang si Maja Salvador ang napili niyang leading lady kung sakali. Single ngayon si Zeus at chinita girls daw ang type nya. Aside from this movie, makakasama si Zeus sa concert ni Vice Ganda abroad also this year.

Kasama rin ang komedyanteng si Lassy na magbibigay saya sa pelikula, “Wala pong pagbabago ang role ko bakla parin ako dito, kaibigan ako dito ni Cacai. Abangan nyo kung magiging superhero siya. Samantala,kapag nagkaroon ng chance gusto ni Lassy na maging si Gandarra, superhero role ng kanyang kaibigang si Vice Ganda. Dream leading men niya sila Piolo, Jerico at Enzo. Pero inamin ni Lassy na si Enzo Pineda ang kanyang showbiz crush kaso na friendzone na siya ng binata.

Sa kasalukuyan, nagshoshooting na ang pelikula at wala pang detalye kung kailan ipalalabas. 

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib