Ang bilis ng mga pangyayare, kinumpirma ni Kisses na wala na ang kanilang loveteam during the contract signing with Star Music sa panayam ng Push. Syempre marami ang nagulat sa big announcement na ito ng dalaga since matatandaan na bago lang ang kanilang loveteam mula ng lumabas sila sa bahay ni kuya at katatapos lang ng kanilang pelikula with MayWard.
Nag-ugat ang isyu sa guest appearance nila sa Kapamilya Chat noong October 13. Nagsimula to ng tanungin ni Marco si Kisses kung may problema ba silang dalawa. Sabi ni Kisses "gusto mo ba talagang sagutin ko yan dito? (referring to kapamilya chat), umoo naman si marco kasi hindi daw nya alam bakit sila nagkakaganito. So ayun nagsalita na nga si Kisses at nabanggit ang hindi pagpansin ni Marco sa parents nya, "Bakit hindi ka nag hi sa parents ko? tanong ni Kisses. "Bakit hindi moko pinapansin?" sagot naman ni Marco. Ibinalik ni kisses ang tanong sa hindi pagpansin sa magulang at sinabi ni Marco na "alam mo naman.." tapos sinabi ni Kisses "importante sa akin ang magulang ko".
So kung dito natin ibabase, tila nagtapos ang kanilang samahan dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Marco at ng mga magulang ni Kisses. Mahalaga ito since magkaloveteam sila. Hindi natin isaktong alam kng may iba pang mas malalim na dahilan pero maganda rin sana kung hindi na pinilit ni Marco na pagusapan ito in public baka mas naayos pa ito at naagapan since magagabayan sila ng kanilang Managers. Nafeel ko yun hirap sa part ni Kisses na hindi pinapansin yun parents nya at naiipit siya sa sitwasyon since magkaloveteam sila ni Marco. Hindi natin alam baka matagal nang may tensyon sa dalawa pero baka sinubukan parin nila makisama sa isat isa until they exploded at hindi na kinaya ang sitwasyon. Hopefully magkaayos sila, magkapaliwanagan sa tamang panahon. Bagay pa naman sila pero we will respect their decisions and will continue to support them.
Nakakalungkot sa kissmarc followers since isa ito sa malaking fandom, whenever i go sa mga events na guest si kisses lagi sila andun talaga to support, hope hindi magbago to and they will continue to support Kisses and Marco individually. Ngayon nila mas kailangan ang inyong pagunawa at suporta since dumadaan sila sa matinding pagsubok sa kanilang loveteam. Hopefully everything will end up ok between the two of them.
No comments:
Post a Comment