Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Tila walang patid ang biyaya na natatanggap ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas dahil kamakailan lang ay nag renew ang komedyana ng kontrata with Hobe Quick Cook Noodles. Matatandaan na last week lang, kasama rin namin si Ai Ai sa bago nyang food endorsement at balita ko may padating pang endorsement uli next week. Lubos ang kasiyahan ng aktres sa dami ng blessings, hindi nakakapagtaka dahil marunong naman itong pagbalik sa kapwa. Si Ai Ai ay kilala sa pagtulong sa pagpapatayo ng mga simbahan at Basilica sa Maynila.


Halos lahat ng endorsement ni Ai Ai ay pagkain kaya naman hindi nakakapagtaka na siya ang kinuha ni Mr. Bobby Co, owner ng Hobe Noodles, na maging Endorser. Ayun kay Mr. Co, tumaas ang sales ng Hobe ng up to 50% nang maging endorser si Ai ai kaya naman very thankful sila sa aktres. Plano rin dalhin ang produkto sa US and other Asian Countries, kaya inaasahan na magiging busy ang aktres para ipromote ang produkto. Pero bago dalhin ito abroad may nationwide tour muna dito sa Pinas para ipromote ang Hobe.


Ang Hobe, "good taste" ibig sabihin sa Chinese, ay gawa sa cornstarch hindi harina kaya naman suki itong gamitin sa ilang sikat na restaurant sa Pilipinas gaya ng Max's, Aristocrat, etc. Sa kasalukuyan, ang product ay iniexport na sa US, Europe at iba pang panig ng mundo. Pinagiisipan narin nila na dagdagan ang product lines like spicy flavors and malunggay para mas healthy.



Sobrang bait ni Sir Bobby, namigay ito ng Hobe noodles, kaya naman dali dali ko itong tinikman paguwe ko, in fairness masarap ang bihon, lalo na kung ipartner mo to sa tinapay at softdrinks solve na! 








No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib