Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagsagot ang beteranang aktres na si Janice de Belen nang matanong tungkol sa namamagitan sa kanyang anak na si Kaila Estrada at aktor na si Daniel Padilla!
Sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry, naging masayang kausap si Janice ni Charo Cordial habang napag-usapan ang pag-ibig, pamilya, personal na karanasan at ang espesyal na kahulugan ng mga alahas sa buhay ng isang tao.
Nang usisain kung pabor ba siya sa namumuong relasyon nina Kaila at Daniel, diretsahang nagpahayag ng kanyang pananaw ang aktres.
“Hindi naman importante kung pabor ako o hindi. Hindi naman ako yung karelasyon nila,” ani Janice.
“Malaki na si Kaila, she can decide for herself,” dagdag pa niya.
Para kay Janice, nasa tamang edad na ang kanyang anak upang gumawa ng sariling desisyon pagdating sa pag-ibig. Hindi rin niya gustong pangunahan ang mga anak sa kanilang mga relasyon dahil bahagi ng buhay ang magmahal, masaktan at matuto mula sa sariling karanasan.
Pero hindi lamang tungkol sa love life ni Kaila ang naging pasabog sa kanilang kuwentuhan!
May nakakaintrigang kuwento rin si Janice tungkol sa isang alahas na minsan niyang natanggap ngunit hindi nag-iwan ng magandang alaala.
“May nagbigay sa’kin ng alahas. Meron. Pero ang katumbas nun ay hindi magandang memories,” pagbabahagi niya.
Dahil dito, hindi napigilan ni Charo na usisain kung may ginawang hindi maganda ang taong nagbigay sa kanya ng alahas.
At nang tanungin kung may ibang babae bang involved sa kuwento, isang makahulugang sagot lamang ang ibinigay ni Janice.
“Secret!”
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang aktres tungkol sa taong sangkot sa naturang karanasan. Wala na rin umano sa kanya ang alahas, at kung tutuusin, mas mabuti pa raw sana kung naibenta na lamang niya ito noon.
Samantala, kahit matagal na sa industriya ng showbiz, nananatiling simple at minimalist ang panlasa ni Janice pagdating sa alahas. Ilan sa mga eleganteng piraso ng Maddox Jewelry ang ipinakita sa kanya ni Charo Cordial.
Isang kuwentuhang puno ng real talk, nakakatuwang rebelasyon at personal na kuwento na nagpapatunay na hindi lahat ng alahas ay basta-basta lamang palamuti. Minsan, may mga kuwento at alaalang nakatago sa bawat piraso—may ilan na nagbibigay ng saya, at mayroon ding mas gugustuhin na nating kalimutan.
Para sa iba pang exciting updates, bagong koleksiyon at inspiring stories, sundan ang official Facebook, TikTok at YouTube pages ng Maddox Jewelry.

No comments:
Post a Comment