Napadpad umano si Rosanna sa Maddox Jewelry matapos siyang maligaw ng building habang may hinahanap na ibang shop. Pero nang makita niya ang mga alahas, nauwi rin siya sa pamimili. “Feeling ko talaga, magagastusan ako ngayong araw na ’to,” biro niya.
Mula sa usapang alahas, naging mas personal ang kanilang kuwentuhan nang balikan ni Rosanna ang ilang bahagi ng kanyang pagkabata. Ayon sa aktres, baby pa lamang siya nang ibigay siya sa ibang pamilya kapalit umano ng ₱4,500. Labinlimang taong gulang na raw siya nang malaman niya ang tungkol dito matapos niyang makita ang isang kasulatan kung saan nakalagay ang pangalan ng kanyang biological mother.
“Yan ’yung talagang na-hurt ako,” pag-amin niya. Gayunman, nilinaw ni Rosanna na hindi niya kailanman naramdaman na iba ang turing sa kanya ng pamilyang nagpalaki sa kanya. “Hindi mo maramdaman na ampon ka,” kuwento niya. “Mas special yung turing sa akin.”
Nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ang kanyang biological mother, sinabi ni Rosanna na hindi naman niya ito hinahanap. “Kasi ang nanay ko, itong umampon sa akin, ito talaga. Wala akong ibang kikilalanin o gugustuhin.”
Hindi rin naiwasang mapunta ang kanilang usapan sa mahigit dalawang dekadang hindi pagkikibuan nila ni Ai-Ai delas Alas. “Noong una, pinagbati kami. Eh hindi pa ako ready, hindi pa siya ready,” kuwento niya. Dumating din umano sa puntong ayaw pa niyang makita si Ai-Ai kapag nasa iisang lugar sila. Pero nagbago ang lahat nang muli silang magsama sa isang show. Kusa raw na pumasok si Rosanna sa kuwarto ni Ai-Ai. Sa halip na magkaroon ng mabigat na komprontasyon, nauwi ang kanilang pagkikita sa tawanan. “Ayun na, nagtawanan na lang kami. Wala na, hindi na kami naawat.” “Time heals,” ani Rosanna.
Mula sa masakit na kuwento ng kanyang pagkabata hanggang sa paghilom ng isang matagal nang alitan, naging bukas si Rosanna sa pagbabahagi ng kanyang personal na kuwento kay Charo Cordial.
Isang kuwentuhan na puno ng tawanan, emosyon, at mga kuwentong nagpapakita ng iba’t ibang bahagi ng buhay ng aktres.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.

No comments:
Post a Comment