TODO hataw ang chikahan marathon ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa brand new episode ng Korina Interviews this Sunday, May 11, 6pm, on NET25!
This week ang spotlight ay nasa paboritong MVP ng bayan — walang iba kung di si Benjie Paras.
Di man daw siya naka-3 points sa buhay, 100% sure naman ang lahat na naging star player si Benjie sa hard court.
Ayon kay Benjie, drinible muna siya ng matindi ng buhay bago pa man siya napunta sa maaksyong mundo ng basketbol.
Alamin kung ilang pamilya silang nagsiksikan sa isang maliit na apartment nung siya ay musmos pa lamang?
Ano ang ginagamit nilang lamesa tuwing hapunan?
Saan siya kumapit upang makaahon?
Paano nga ba niya nasungkit ang tagumpay sa basketball?
Uulan ng mga 3-point revelations this Sunday on Korina Interviews kaya tutok na!
No comments:
Post a Comment