Muling nagningning ang Malate kagabi sa grand opening ng Bar 58 Resto Comedy Bar! Matagal nang inaabangan ang pagbabalik ng gimikan sa lugar na kilala noon pa man sa kanyang buhay na nightlife, bars, street parties, at gay scene. Sa pangunguna ni Direk Buboy Remolin, natupad ang kanyang pangarap na magtayo ng sariling comedy bar—at hindi lang basta bar, kundi isang lugar na puno ng tawanan, kantahan, at masarap na pagkain.
Mas lalo pang naging espesyal ang gabi dahil full support si Mamu Andrew De Real, ang may-ari ng legendary bar na The Library kung saan nagsimula ang ilan sa mga pinakasikat na comedians tulad nina Aiai delas Alas at Arnell Ignacio. Nangako si Mamu Andrew na magpapahiram ng kanyang mga talents para mag-perform sa Bar 58—at true enough, pinuno ng tawa at good vibes ang gabi!
Hindi na magkamayaw ang audience sa sobrang saya! Game na game ang mga tao, nakikipagkulitan at nakikitawa sa mga stand-up comedians. Pero ang tunay na highlight ng gabi? Ang mala-concert na performance ni Jason Fernandez, former vocalist ng Rivermaya! Pinakilig niya ang lahat sa pag-awit ng mga classic hits tulad ng “Next in Line”, “214”, at “I’ll Never Go”—sabay-sabay pa ang audience sa pagkanta! Good news dahil regular performer si Jason sa Bar 58, kaya siguradong sulit ang balik!
Kung gusto mong mag-chill, tumawa, at mag-enjoy sa live performances, punta na sa Bar 58! Perfect ito para sa barkada, date nights, o kahit solo trip kung gusto mo lang mag-relax. Located sa Adriatico corner San Andres Street, Malate, Manila, madali lang puntahan at sulit na sulit ang experience.
Kaya ano pa hinihintay niyo? Tara na sa Bar 58! Kita-kits sa tawanan at kantahan!
No comments:
Post a Comment