SUNDAY super weekend nanaman kaya brand new episode ng Korina Interviews ang matutunghayan mamayang gabi Feb 16, 6pm, on Net25!
Tamang biyahe at travel chikahan overload ang topic ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas kasama si Kach Umandap.
Biyahe sa buong mundo — yan ang tatak ni Kach na pinaka-batang Pinay na 195 na bansa na ang nabisita gamit ang kanyang Philippine passport.
Kumpirmado ba na inubos ni Kach ang kanyang life savings sa ngalan ng travel?
Ano ang diskarte niya sa kanyang mga intetnational travels para makatipid?
Paano ba siya nahumaling sa travel at may travel goals pa ba siya?
Ano ang mga hugot sa bawat stamp ng kanyang passport?
Usapang travel at marami pang iba mamayang gabi na sa Korina Interviews!
###
No comments:
Post a Comment