Makakasama lang naman ni Korina ang broadcast journalist for 36 years sa GMA-7, CNBC ASIA, BBC World News, at CNN -- ang Pinoy na si Rico Hizon!
“Malapit sa puso ko ang episode na ito dahil usapang journalism at pagbabalita kami,” says Korina.
Pero sa likod pala ng tikas at tapang niya bilang isang anchor, irereport ni Rico ang mga never heard experiences niya tulad ng pagiging isang utusan sa TV at ang stint nya bihang Disco DJ!
Dahil daw sa isang bagyo kaya siya naging news anchor?
Totoo ba na isang aksidente ang naging hudyat niya para ituloy ang career sa pagbabalita?
Paano nga ba naapketuhan ng pagsasara ng CNN Philippines ang karera niya?
At pag-uusapan din ang mga legendary personalities na kanyang na-interview -- such as Kobe Bryant, LeBron James, David Foster at pati na rin ang former US President na si Bill Clinton! Bongga diba?
Ang lahat ng ito tutukan ngayong Sunday on Korina Interviews, 6pm on NET25, right after the romantic-comedy series Goodwill.
Don’t miss it!
No comments:
Post a Comment