Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]

CERTIFIED OPM hitmaker Bituin Escalante takes the spotlight this Sunday evening on Korina Interviews.

Sino ba naman ang hindi nag-emote to the max sa pambansang theme song ng mga sawi ni Bituin Escalante na “Kung Ako Na Lang Sana?”
Kilala si Bito bilang mahusay at pambatong singer ng Pilipinas pero hindi niya masyadong pinaguusapan ang personal niyang buhay until now sa exclusive sit-down niya kasama si Korina.

“Alam ko naman na di ganun kataas ang range ng boses ko,” bungad ng singer sa veteran broadcast journalist.

Alamin kung sino ang OPM legend na nag-discover sa kanya!

Mayroon nga ba siyang kapatid na late na niyang nakilala? 

Nakilala ba ng tatay niya ang nawawalang nilang Ate?
At how true — akala nga ba ni Bito na pinsan niya ang asawa niya pero hindi naman talaga? OMG — nakakaloka!

At siyempre di naman pwedeng mag-guest si Bituin ng hindi kinakanta ng live ang kanyang signature song na hanggang ngayon patok na patok pa rin sa lahat ng generations!

Chikahan, tawanan, at siyempre kantahan ang pwedeng i-look forward ng madalang people on Korina Interviews ngayong Sunday, June 16, 6pm, only on Net25 right after the romantic comedy series Goodwill.
###

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib