Talagang nakaka-inspire ang buhay at karera ni Ate Vi pero naku — isang katutak nga ba talaga ang pinagdaanan niyang hirap sa buhay!
How true na nabaon siya sa utang?
Na kaliwa’t-kanan ang naging problems niya with the BIR?
Nalugi nga ba ang mga negosyo niya at umabot nga ba siya sa masaklap na point na unti-unting nawala ang mga ari-arian niya?
And to top it all, totoo ba na Ate Vi did 16 movies ng hindi niya nahahawakan ang sweldo niya? Bakit kaya?
“Akala ng iba perfect ako. No!
Ang dami kong palpak sa buhay; masama din ako magalit; may mga mali akong decisions; but I’ve learned overtime,” sey ni Ate Vi!
From being actress to being a wife to being a public servant to being a mom and a new lola, nakakaloka ang highs and lows ng buhay at career ni Ate Vi — talagang award-winning ang story niya at perfect for all seasons!
At sa tanong ni Koring tungkol sa mga natutunan ni Ate Vi sa kanyang life’s journey, ito ang sabi ng mahusay na aktres-politician “I learned to embrace and accept reality and focus. I learned to improve myself, fix problems, and learn important lessons along the way.”
So ano-ano pa ang mga nakakalokang rebelasyon ni Ate Vi?
Join ka na sa chikahan nina Koring at Ate Vi at tumutok na sa Korina Interviews this Sunday to find out!
###
No comments:
Post a Comment