Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Kasama si Ginoong Robin Padilla, isang espesyal na grupo ng mga mandaragat at mangingisda ang binuo ng negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. ng Frabelle Fishing Corporation para atasang maglayag mula Navotas Port patungo sa Kalayaan Group of Islands. Sakay ng fishing vessel na Victor 88, ang natatanging fishing expedition na ito ay isinagawa sa kabila ng isyu ng pagpapataw ng Tsina ng pang-internasyonal na pagbabawal ng pangingisda sa naturang teritoryo. 

Ano nga ba ang mga naging kaganapan sa naging paglalayag? At paano naapektuhan ang bawat isa sa grupo sa naging karanasan nila sa pagpunta sa karagatan at mga isla sa ating West Philippine Sea? ‘yan ang mga dapat abangan sa limang bahagi ng dokyu-serye na ito.

Bilang bahagi rin ng selebrasyon ng International Fisherman’s Day ngayong ika-29 ng Hunyo, ang dokyu-serye na ito ay pagpapakita sa kalagayan ng mga Pilipinong mangingisda at naglalayong mas kilalanin pa ng sambayanan ang kanilang napakalaking ambag sa ating araw-araw na pamumuhay. 

Tunay na isang karangalan na maipresenta ang dokyu-serye na ito tuwing Sabado sa buong buwan ng Hunyo sa Facebook Page ni Robin, kaya suportahan natin at subaybayan ang paglalayag at paghahayag ng mga kwento mula sa Victor 88.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib