Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Pinaghalong tamis at pait ng pag-ibig ang pangakong handog ng pinaka-bagong Pinoy BL na “IN BETWEEN” na magsisimula nang ipalabas ngayong Sabado, July 11 sa USPHTv sa Youtube. Pinagbibidahan ito ng dalawang baguhang aktor na sina Migs Villasis at Genesis Redido sa direksyon ni Briliant Juan

Layunin ng “In Between” na pumasok sa totoong realidad sa pagsasama ng dalawang lalaking nag-iibigan kung saan hindi sa lahat ng oras ay puro kilig at landian lamang, dahil sa katotohanan ay sari’t saring emosyon at sakripisyo  ang kanilang pinagdadaanan sa pagtatago at paglalantad ng kanilang pagkatao at pagmamahalan. Ang kwentong puso ng magkababatang Taurus at Otep ang sasalamin sa mas malalim na depinisyon ng katagang Love Wins. 


Inaasahan ang magkahalong ngiti at sakit ang mararamdaman ng BL fans dahil sa mga eksenang nakakakiliti at mahapdi na buong tapang na pinagitnaan ng mga bidang sina Genesis at Migs. Ayon sa dalawang aktor, mas lumalim ang kanilang pagunawa sa same-sex relationship sa paganap nila sa mga karakter nila dito dahil ipinakita nina #TauTep na sa lengwahe ng pag-ibig walang pinipiling edad, estado at kasarian. Kaya naman hindi rin sila nahirapan sa mga eksenang ipinagawa sa kanila dahil sa mas naging open-minded sila sa pantay na pagtanggap sa pinagdadaanan ng LGBT couples. 

Ipinapangako naman ng Direktor ng online serye na ito na si Direk Bril na ang sa matapang niyang paglalahad ng kwentong ito ay mas ilalapit niya sa katotohanan para sa mas malawak na pagtanggap ng mga Pinoy sa genre na ito at lalo’t higit na matauhan ang marami na ang Man to Man love ay hindi panay harutan lang kundi madalas ay may mas makulay at matibay pang pundasyon. 


Ang “In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam” the series ay produksyon ng Uncle Scott Global Productions, Unframed Film Production at Fringe Multimedia Production. 

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib