Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Milyon-milyong Pilipino ang mawawalan ng kanilang pagkukuhanan ng balita at libangan matapos ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN sa telebisyon at radyo simula ngayong gabi (Mayo 5), sa panahong may matinding pangangailangan ang publiko sa impormasyon habang humaharap ang bansa sa krisis na dulot ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ngayong araw na nagbabawal sa ABS-CBN na umere sa lalong madaling panahon.

Sa kabila ng Senate Resolution No. 40, liham mula sa House of Representatives’ committee on legislative franchises, abiso ng Department of Justice, at sinumpaang pahayag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, hindi binigyan ng NTC ang ABS-CBN ng provisional authority para magpatuloy ang operasyon nito habang nakabinbin ang prangkisa nito sa Kongreso.

Sa isang panayam sa DZMM noong nakaraang linggo, tiniyak din ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang plano upang ipasara ang network.

Patuloy na naghahatid ang ABS-CBN ng komprehensibong pagbabalita at nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para makapagbigay ng pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng “Pantawid ng Pag-ibig.” Sa kasalukuyan, nakapaghatid na ito ng higit sa P300 milyong halaga ng pagkain at mga batayang pangangailangan sa higit sa 600,000 na pamilyang apektado ng enhanced community quarantine.

Umaasa kaming maglalabas ang gobyerno ng desisyon sa aming prangkisa base sa kung ano ang makabubuti sa mga Pilipino at nang may pagkilala sa papel at pagsisikap ng ABS-CBN na makapagbigay ng pinakabagong balita at impormasyon sa panahong ito.

Mananatiling naglilingkod ang ABS-CBN sa publiko at maghahanap ng paraan para patuloy na makapaglingkod sa mga Pilipino.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib