
Sino si Juan Ponce Enrile?
Si Enrile ay isinilang sa probinsya ng Cagayan. Ang tatay niya ay Bulakenio at Tagalog na anak ng barangay Sto Kristo sa bayan ng Baliwag. Kamaganak niya ang mga Ponce at Emile ng Baliwag at ng buong probinsya ng Bulacan at ng Nueva Ecija. Kaya si Emile ay naging "Ponce Enrile" dahil pinalitan ng tatay niya ang sarili niyang apelyido. Idinagdag ng tatay niya sa kanyang dating apelyido ang apelyido ng kanyang ina na si Teresa Emile na anak din ng barangay Sto. Kristo sa bayan ng Baliwag. Kaya naging Alfonso Ponce Emile siya. Ang tatay ni Emile ay pamangkin ng dakilang Mariano Ponce ng Baliwag, Bulacan. Si Mariano ay matalik na kaibigan ng bayaning Jose Rizal at tanyag na manunulat ng La Solidaridad.
Ang nanay ni Enrile ay Ilocana at may lahing Ibanag at taga probinsya ng Cagayan. Kaya si Enrile ay fluent na magsalita ng Tagalog, Ilocano at Ibanag.
Noong World War II si Emile ay naging guerilliero. Miembro siya ng Hunters ROTC guerilla. Linabanan niya ang mga Hapon na sumalakay sa bansa natin. Nahuli siya ng mga Hapon sa Cagayan noong October 10, 1944. Binihag at tinorture siya, off and on, ng mga Hapon for 90 days. Pinagpapalo siya ng dos por dos na kahoy. Winater cure siya. Kinuryente siya sa kanyang buong katawan. Nakatakas siya during an American air raid noong January 8, 1945 at bumalik nanaman siya sa labanan sa Cagayan.
Edukasyon
Pagkatapos ng World War II, pinag-aral siya ng tatay niya sa Saint James Academy ng Maryknoll sa Malabon, Rizal. Nagtapos siya ng High School noong 1947. He was 23 years old. Pumasok siya as scholar sa Pre-law ng Ateno de Manila. Nagtapos siya doon as salutatorian in 1949. Pumasok siya sa UP College of Law sa Diliman in 1949. Nagtapos siya ng law doon as salutatorian and cum laude in 1953. Nag BAR siya in 1953 at ang rating niya ay 91.72%. Ang nakuha niyang grado sa Commercial Law bar subject ay 100%. Naging abogado siya in January, 1954. Nag Master of Laws siya sa Harvard University Law School in 1955. Nagdalubhasa siya sa Taxation at Corporate Reorganization at Public and Private International Law.
Work and Leadership Experience
Naging partner siya ng Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Belo at Ongsiako Law Offices from 1955 to 1966. Nagturo siya ng law subjects sa Far Eastern University, College of Law, from 1956 to 1964. Siya ay naging Senior Partner din ng Ponce Emile Reyes and Manalastas Law Office. Naging Undersecretary of Finance siya in January, 1966.
Naging Chairman din siya ng Philippine National Bank in 1966 at noon ay bangko pa yan ng gobiyerno.
Naging concurrent Acting Insurance Commissioner din siya in 1966. As Insurance Commissioner rinibisyon niya ang mga patakaran ng Insurance Commission. At ang rebisyon na ginawa niya noon ay naging bahagi ng Insurance Code ng Pilipinas. Inayos at pinalakas niya ang nonlife insurance industry sa Pilipinas.
Naging Acting Customs commissioner din siya ng 21 months from November 1966 to December 1968. Nilinis niya ang Bureau of Customs. At pinalaki niya ang kita ng gobiyerno from Customs.
As Undersecretary of Finance naging Acting Secretary of Finance and concurrent Chairman ng Monetary Board din siya ng Central Bank of the Philippines. Wala pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas noon.
Naging Secretary of Justice from December 28, 1968 to February 10, 1970.
Inilipat siya sa Department of National Defense on February 10, 1970. At nagsilbi siya doom for 17 years as Secretary of National Defense. Binitiwan niya ang puwesto niya as Secretary of National Defense from August 1971 to December 1971. Kumandidato siya as senator in the national election of 1971. Natalo siya dahil nabomba noong Agosto 21, 1971 ang political rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda. Maraming leaders at mga supporters ng Liberal Party ang nasugatan at nasaktan. May namatay pa. Si Enrile ang pinagbintangan ng publiko sa pagbobombang yon. Ngunit natuklasan pagkatapos ng eleksyon na ang tunay na gumawa sa pagbobombang yon ay ang mga Komunista ni Jose Maria Sison. Ibinalik si Emile muli sa Department of National Defense on January 1, 1972 as Secretary of National Defense.
Habang siya ay Secretary of National Defense naging member din siya ng Batasan Pambansa under the 1973 Constitution from 1978 to 1986. Nagpatuloy na Secretary of Defense si Enrile pagkatapos ng Edsa One Revolution sa panahon ni Presidente Cory Aquino, until November, 1986.
Unang inihalal na senador si Enrile from 1987 to 1992. Emile was the lone minority in the Senate. Enrile was the sole opposition in the Senate against 23 senators who made up the majority that supported President Cory Aquino.
Nahalal siya na congressman sa first district ng probinsya ng Cagayan from 1992 to 1995.
Nahalal muli siya as Senator from 1995 to 2001. Naging chairman siya ng Ways and Means Committee at chairman din ng Government Corporations and Public Enterprises Committee.
Mga Nagawa ni Manong Johnny
Tinutukan niya ang mga panukala sa pananalapi para masigurado na balanse ang pangangailangan ng gobyerno at upang hindi mabigatan at masaktan ang publiko sa sobrang buwis na ipapataw sa kanila. Para sa kanya dapat makatarungan ang pagbubuwis.
Siya ang may-akda ng Republic Act No. 8424. Ito yong tinawag na Comprehensive Tax Reform program. Dito inalis niya ang pagbabayad ng mga OFW ng buwis sa Pilipinas sa kanilang kinikita sa ibang bansa. Kasama din sa reforma na yan ang pribilehiyo na ibinibigay sa homeowners na hindi sila magbayad ng Capital Gains tax sa kinita nila sa pagbebenta ng kanilang bahay o lupa kung ipambibili nila ng ibang lupa o ipagpapagawa nila ng ibang bahay ang kinita nila sa bentahan ng dati nilang lupa o bahay.
Isa sa mga tinututukan niyang issue ay ang power sector upang hindi umabuso ang mga producers ng elektrisidad.
Kinikilala niya ang karapatan ng mga producers ng elektrisidad na kumita sa kanilang mga negosyo. Subalit nais niya na masiguro na hindi pag-sasamantalahan ang mga gumagamit ng elektrisidad at para hindi din tataas masyado ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng mga pagkain.
Siya lamang ang kumontra sa pag-pasa ng EPIRA (Electric Power Industry Reform Act). Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang itinaas ng presyo ng kuryente sa bansa natin at naapektohan ng malaki tuloy ang presyo ng pakain natin.
Pinasimulan niya ang Anti-Trust Bill. Pero ito ay hindi natapos. Ito ay ginawa niya para mapigilan ang mga monopolya at kartel sa bansa, at para maiwasan ang pag kontrol ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang presyo ng bigas.
Bilang tugon sa September 11 trahedya na nangyari sa America, gumawa siya ng Anti-Terrorism Bill. Ito ay hindi din natapos dahil sa pagtutol mga Human Rights advocate sa senado.
Nahalal muli siya bilang senador in 2004 at naging bahagi siya ng 13th Congress. Itinuloy niya ang mga adhikain niya sa consumer protection sa reporma ng industria ng elektrisidad at sa revenue system. Itinuloy din niya ang Anti-Trust Bill niya na naging Philippine Competition Act of 2015. Isinulong niya ang mga pagbabago sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para mapataas ang exemptions ng mga mamamayan at iba pang mga pagbabago.
Aktibo siya sa mga debate sa plenaryo, 1an na sa mga mahahalagang panukala tulad ng Sin Taxes (RA 9334), EVAT (RA 9337), Biofuels Act (RA
9367), Amendments to the Automated Elections System (RA 9369), at ang General Appropriations Act.
Nang nakabalik siya sa senado noong taong 2004, itinuloy niya ang kanyang Anti-Terrorism Bill. Natapos ito at naging batas at pinangalanang “Human Security Act of 2007.
Naging chairman siya ng Committee on Justice and Human Rights at isinulong niya para maipasa ang mga sumusunod:
1. Batas na nagpalakas sa tanggapan ng Solicitor General (RA No. 9417);
2. Batas na nagpalakas at nagsaayos ng Public Attorney’s Office (RA No. 9406); at
3. Batas na nagdagdag sa mga sangay ng mga trial courts sa buong Pilipinas.
Iba pang mga bagong pasinaya na iniharap sa mas malaking komite ay ang mga sumusunod:
1. Batas na naglalayong gawing krimen ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alkohol o ipinagbabawal na gamot;
2. Batas na naglalayong bigyan ng benepisyo ang nabubuhay na asawa ng retirado o namatay na Justice ng Supreme Court 0 Court of Appeals;
3. Batas na nag aayos ng sweldo ng mga miyembro ng Hudikatura at iba pang mga abogado sa Hudikatura; at
4. Batas na magtatalaga ng benepisyo ng mga retirado ng Hudikatura.
Sa 14th Congress, naging chairman siya ng Committee on Finance.
Ginabayan niya ang agarang pag-pasa ng taunang General Appropriations Act.
Iniluklok siya bilang Senate President on November 17, 2008. As Senate President, naipasa niya ang ilang mahahalagang batas gaya mg:
1. Republic 9522 (Baseline Law) na nagtatalaga ng mga hangganan ng kapuluan ng bansa;
2. CARP Extension;
3. Anti-torture Act;
4. Expanded Senior Citizens Act;
5. Anti-Child Pornography Act;
6. National Heritage Conservation Act; and
7. Real Estate Investment Act.
As Senate President, nakipagtulungan ang senado sa mababang kapulungan sa isang mahalagang isyu: Proclamation 1959 noong Disyembre 2009 na nagdeklara ng batas militar at nagsuspinde sa Writ of habeas corpus sa buong probinsya ng Maguindanao.
Sa pagbukas ng 15th Congress noong July 26, 2010 nailuklok siya muli bilang Senate President. Naging Presiding Officer siya ng Senado sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Si Enrile ay na sa edad na 88 noon. Dito ipinamalas niya ang parehong antas ng talino, lakas at pagkamabusisi tulad ng pagiging abogado noong kabataan niya.
June 5, 2013, bumaba bilang Senate President at naihalal bilang Minority Leader. June 2016 natapos ang pang-apat na termino niya bilang Senador.
October 17, 2018, nag-file siya ng kanyang Certificate of Candidacy para sa Senado. Ibig niyang makatulong muli lalo na sa mga usapin ng mga mahahalagang isyu ng bansa.
No comments:
Post a Comment