Just finished watching Elise on its 7:50pm run at the Cinema 4 of Glorietta tonight. I didnt expect anything when i entered the cinema, akala ko nga hindi maganda kasi not all malls/cinemas ay nagpapalabas ng Elise so I thought ako lang ang tao sa sinehan. But NO, marami nanood sa Glorietta at least may kasama ko manood.
In fairness to Elise, hindi nasayang ang oras ko dahil maganda yun movie. Bakit siya maganda?1. Story - maayos ang pagkakasulat at kung paano nilahad ang kwento. Kudos to the writer and director ng pelikula na si Direk Joel Ferrer. Nagandahan ako sa kwento at naestablished ng maayos ang mga characters. Unang limang minuto plang ng pelikula nakuha na niya ang atensyon ko.
2. Acting - magaling umarte ang mga kinuhang artista lalo na yun mga bata. Ang huhusay! maganda ang bitaw ng mga lines very natural lang kaya akala mo totoo ang mga eksena. Sakto lang ang acting nila Enchong at Janine hindi OA. Pero naramdaman ko yun mga roles nila. Lalo na sa confrontation nila sa dining nun nabasa sa ulan si Elise. Pigil pero ramdam mo ang sakit ni Elise. That was Janine's moment! Enchong has his time also. Sa kanya umikot yun story. He narrates the movie well he gave the right tone ng boses, ang ganda ng narration niya kaya rin siguro naintindihan ko mabuti yun kwento. Past-present-past-present ang sequence ng pelikula pero maayos na na-execute kaya hindi nakakalito. May chemistry sila Enchong at Janine kaya kikiligin ka sa ilang eksena at nakita ko yun katabi ko grabe ang iyak.
3. No dull moment. Walang tapon sa mga eksena. Maayos ang pagkakaedit. Victor Anastacio easily steals the scene. He is a newbie but surprisingly he gets my attention. He is a revelation on this movie. He is naturally funny pero hindi nakakaasar. Funny na naughty kaya malakas ang register nya onscreen. He is definitely the crowds favorite. Lakas ng tawanan sa sinehan sa mga banat nya. And very confident cia ha sa kanyang mga underwear scenes. Mother Lily should give him his own movie parang "kita kita" type na Im sure papatok sa takilya given the right pair and project for him.
4. Musical Scoring - ang laki ng contribution ng scoring para mas lalo kong mafeel un bawat eksena.ang ganda lang ng transition ng mga scenes dahil sa tamang paglapat ng music, nakuha nya un emosyon na angkop sa bawat eksena kaya mas lalo akong nadala sa pinapanood ko na hindi ko namalayan almost 2 hours na pala ang tinakbo ng pelikula. Parang kahit nakauwe nako naririnig ko parin ang tunog ng musical box at sila Elise at Bert agad maaalala mo.
5. Full of life lessons - some good things never last so be grateful of what you have right now, seize the day! People come and go..some are meant to stay..others are there to teach us lessons..
ELISE now showing in cinemas. Hopefully damihan pa ang sinehan para mas lalo pa dumami ang makapanood.
No comments:
Post a Comment