Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]

Muling humarap sa showbiz press ang isa sa mga paboritong action stars ng pinilakang tabing na tinaguriang TITANIC ACTION STAR noong early 90’s, si dating Senador Ramon Bong Revilla, Jr. Matatandaan na nagkaroon din siya ng Meet The Press noong kalalabas lang nya ng PNP Custodial Center kung saan siya ay nakulong ng halos 5 taon, Matandaan na noong December 7, 2019 ay pinawalang-sala si Bong Revilla ng First Division ng Sandiganbayan at lumaya rin ng araw na yun. 

“Gusto ko nang kalimutan at ibaon sa limot ang napakalaking unos na pangyayaring ito sa aking buhay, sa buhay ng aking pamilya, at umusad na at bumawi sa mga panahon at kalayaan kong nawala at hindi na maibabalik,” malumanay at taos-pusong pahayag ni Bong. 

Idinagdag din niya na nung kinausap siya ng Daddy Ramon niya sa kanyang unang pagdalaw sa kanya paglabas na paglabas niya mula Camp Crame, sinabihan siya na patawarin ko na ang mga nagpakulong sa akin at ipasa-Diyos na lamang ang madilim na kabanatang ito ng aking buhay. “Sinunod ko ang aking ama at Diyos na ang bahala sa kanila. Tao lang ako at hindi Diyos, kaya sa Diyos na sila humingi ng tawad, dahil pinatawad ko na sila,” diin pa ng tumatakbong Senador muli sa May 13, 2019 Midterm Elections. ‘ 

Sinabi rin ng paboritong anak ng Cavite na sana ay mabigyan siya muli ng pagkakataon upang ipagpapatuloy niya ang mga naiwanan niyang mga panukalang batas noon siya ay nakulong mula noong June 20, 2014 na kusa siyang sumuko upang mas magkaroon siya ng pagkakataon na malinis ang kanyang nadungisan na pangalan, na kanya naman nakamit. Isa na nito ang kanyang panukala na babaan ang edad ng mga Senior Citizens ng Pilipinas mula sa 60 years old, gawing 55 years old pa lang upang sa gayun ay mas maaga ring matamasa ng mga Senior Citizens ang mga benepisyo na galing sa gobiyerno, habang sila ay may malakas pang pangangatawan at sigla. 

Nakapag-umpisang umikot narin si Bong sa mga probinsiya para sa kanyang “Pasasalamat Caravan” at mga Speaking engagements sa mga nangumbida sa kanya mula sa pribadong sector at mga NGOs. Hindi kukupas ang kanyang papolaridad sa kanyang pagkawala sa mainstream society ng halos 5 taon, bagkus ay dumoble pa ang pagkasabik at paghanga sa kanya ng kanyang mga tapat na taga-suporta at mga tagahanga. 

“Nakakataba ng puso at lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal upang makalabas ako at sa mga pumupunta sa mga lugar na aking pinuntahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula noong Enero 9 hanggang kahapon sa aking mga ginawang mga motorcade. Sana ay muli nila akong samahan sa aking laban na ito at sama-sama nating labanan ang kahirapan, karahasan, ilegal na droga, kakulangan ng trabaho, at trapiko,” pagwawakas ni Ramon Bong Revilla, J r.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib