Sobrang lakas ng chemistry ng McLisse onscreen mula nagsimula ang pelikula hanggang natapos kinikilig ako at natatawa lang sa aking kinauupuan. Masaya yun pelikula. Its a feel good movie na bagay na bagay sa mga millenials at feeling millenials. Perfect to for Valentines!
Pagdating sa akting, hindi nagpahuli ang Mclisse. Very expressive ang mata ni Mccoy. Kahit walang dialogue nangungusap ang kanyang mga mata. The role is tailor-made for him. Mccoy is a natural actor, parang hindi na nya kailangan umarte sa pelikula kasi halos hawig si Mccoy kay Pol na character na sobrang cute at torpe. Mccoy is the next dramatic actor. Hindi naman nagpahuli si Elise sa mga eksena dahil napakahusay ng bitaw nya ng mga linya na di mo iisiping umaarte. I love their chemistry sobrang lakas at very natural ang pagpapakilig hindi pilit.
Sakaling Maging Tayo for me has the best ending. Ang ganda ng ending ng movie na lalabas ka sa sinehan na masaya at kung nakalimutan mo na ang feeling na mainlove siguradong muli mo itong mababalikan.
SMT Black Carpet Gallery
No comments:
Post a Comment