Ito na siguro ang magiging pinaka-masayang Pasko para sa buong pamilya dahil sa inaabangang pagsasama-sama ng Bossing Ng Comedy Vic Sotto, Phenomenal Star Maine Mendoza at ng Hari ng Primetime TV Coco Martin sa Jack Em Popoy The Puliscredibles!
Sa trailer pa lang ng pelikula ay damang dama na ang chemistry ng tatlong bigating bituin ng telebisyon na unang beses pa lang makikitang magkakasama sa isang pelikula bilang Jack Halimuyak (Coco Martin), Em Fernandez (Maine Mendoza) at Popoy Fernandez (Vic Sotto).
Ang tatlong bida na pawang mga pulis sa iisang headquarter ay kinailangang magsama sama para sa isang misyon na magdadala sa kanila sa isang mahalagang rebelasyon. Ang mga eksenang katatawanan, masigabong aksyon at madamdaming drama ay siguradong swak na swak sa lahat ng edad lalo na sa panahon ng kapaskuhan kung saan sama samang nanonood ang pamilyang Pilipino.
Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay punong puno ng mga eksenang comedy, action, at drama na lalo pang pinaganda ng pinaghalong mga artista ng magkaibang networks na pinangungunahan nina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, PJ Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at marami pangiba!
JACK EM POPOY: THE PULICREDIBLES ay ang Official entry ng CCM Film Productions, APT Productions at ng MZet Productions sa 44th metro Manila Film Festival na maguumpisa mapanood ngayong Pasko December 25 sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment