Umaasa si Luigi Revilla na magugustuhan at mage-enjoy ang mga Pilipino sa pelikulang pinagbibidahan nya at ang mga kapatid na sina Jolo at Bryan Revilla, na iprinodyus ng Imus Productions. Ginawa raw talaga ng ama nilang si Sen Bong Revilla ang pelikula para pasayahin ang mga pamilyang Pilipino at bilang hudyat ng pagbabalik ng action movies sa mga sinehan.
Sa naganap na presscon ni Luigi, ipinasilip ang trailer ng pelikula kung saan magbibida si Luigi sa episode na AMATS mula sa direksyon ni Dondon Santos. Sa ganda ng special effects at iba pang element ng pelikula, kitang kitang ginastusan at pinagbuhusan ng malaking budget ang “TRES”.
May background si Luigi sa Martial Arts kaya naging madali sa kanya ang mga fighting scenes. Sa dami ng pisikal na eksena, hindi maiiwasan na magkatamaan sila sa set.
“Akala ko acting lang ni Markki (Stroem) yun pagkatumba niya pero napalakas pala ang sipa ko kaya siya natumba at natanggalan ng ngipin. Nag sorry ako sa kanya at ok naman siya ngayon.” Kwento ni Luigi. Bukod dito, nakwento rin ni Luigi na nasapak siya ni Sandino Martin sa ilong pero maayos naman ang lahat dahil parte ito ng paggawa ng pelikula.
TRES ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa October 3,2018.
No comments:
Post a Comment