MAYNILA – Bryan Revilla finally got his first lead role sa pelikulang ‘Tres’ mula sa Imus Productions. “VIRGO” ang episode ni Bryan sa action trilogy movie na ito kung saanbmak kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Vice Gov Jolo Revilla at Luigi Revilla.
Sa nakaraang media conference noong Martes, muling hinarap ni Bryan ang press people after ilang years na nagpahinga sa showbiz. Maganda ang aura ni Bryan at very positive ang dating. Mapapansin na nagbawas ng timbang ang actor bilang paghahanda sa pelikula.
Si Direk Richard Somes and director ng episode ni Bryan na ayon sa actor punong puno ng aksyon at suspense ang pelikula. Isa sa highlight ng pelikula ay ang fight scene nila ni Kiko Matos na kinunan sa loob ng dalawang araw kung saan inamin ni Bryan na sa sobrang pisikal ng mga scenes hindi naiwasan na magkatamaan sila ni Kiko.
Dahil bibida sa pelikula ang tatlong magkakapatid hindi naiwasang itanong kung sino sa kanila ang pinakamalapit sa image ni Bong Revilla bilang action star.
“Si Jolo very Bong Revilla, mannerisms, porma at tindig, Jolo has that. Luigi has the charm of my dad and paggalaw. While for me, I think mas hawig sa mga unang pelikula ng dad ko, I love his old films.” Ayon kay Bryan.
Mapapanood ang Tres sa mga sinehan ngayong October 3. Mula sa Imus Productions at distributed ito ng CineScreen.
No comments:
Post a Comment