Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Matagumpay ang idinaos na Oh Boy, Oh Lol Concert sa Music Museum noong Biyernes May 18. Tampok dito ang Kapuso Heartthrob na sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Derick Monasterio, at si Dave Bornea. Kasama rin sa pagtatanggal ang mga komedyanteng sina Donita Nose at Tekla. Dinumog ito ng fans at press people. Namataan ko sina Ricky Lo, Lhar Santiago, at MJ Felipe. Todo suporta rin si Barbie Forteza for Jak at ang girlfriend ni Rocco.

Opening pa lang hindi na magkanda mayaw ang mga tao sa init ng performance. Lumabas na shirtless at naka skimpy pants sina Jak, Derick, Dave at Rocco. Nag ala Magic Mike sila at talaga namang hindi magkarinigan sa lakas ng tilian ng mga tao. Sumunod na segment ng concert ay individual performance kung saan ipinamals ng bawat isa  ang natatago nilang talento sa pagkanta at pagsayaw bukod sa kaseksihan na taglay. Nauna si Dave na sumayaw, grabe ang giling ni Dave sobrang sensual ng prod number nya kung saan kumuha siya ng partner sa audience at sinayawan. Nagtanggal rin siya ng damit at pinahawak ang katawan sa babae. Lucky talaga yun girl that night hahaha! Para sa akin ito ang most applauded performance. Pinatunayan lang ni Dave na he is more than just a handsome face. Sinundan ito ng performance naman ni Jak, kung saan pasabog ang pagtanggal nya ng pantalon at natatakpan lang ng mukha ng elepante ang kanyang private parts (may skintone cloth siyang suot). Next is kay Derick Monasterio na nag ala Fifty Shades of Grey, ipinakita nya ang talent nya sa pagkanta then mag eksena na kumuha siya sa audience ng bading at sinayawan, laughtrip dahil panay ang sabunot nya sa bading at nauwe ito sa bedscene. Last na nagperform si Rocco, nagmistulang mini concert nya ito dahil sa ipinamalas na talento sa pagkanta, pagsayaw, at may bonus p na beat box, of course hindi mawawala ang pagtanggal nya sa una ng shirt then sa huli pants na. Sa bawat interval lumalabas sina Donita at Tekla na malaki ang naging kontribusyon sa success ng show dahil sila ang nagbibigay ng dagdag buhay sa show dahil sa mga baon nilang jokes at performances. Nagpatalbugan sila sa pagkanta ng Aegis Songs, may eksena pang hinubaran ni Donita si Tekla sa stage at marami pang kaganapan na labis ikinatuwa ng audience.

Tawang tawa talaga ako sa tambalang Donita at Tekla kahit na una ko palang sila mapanood. Sa dami ng kinover ko na event, masasabi ko na ang Oh Boy Oh Lol ang isa sa pinakasulit na napanood ko. They succeeded on their intention to entertain which is yun naman ang dahilan bakit bumili ng tickets ang mga tao at sinadya sila. We are not their expecting of mala Regine at Sarah na concert, we are there para mag enjoy at nagenjoy lahat ng nanood. After watching, like ko na si Dave Bornea. Sana may repeat ang concert na to. Congrats Kapuso!

Image may contain: 6 people, people on stage, concert and night

WATCH ALL VIDEOS ON MY YOUTUBE CHANNEL











No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib