Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Just finished watching the movie  "DOTGA: Da One That Ghost Away" a while ago sa SM Cinema. This is the first team up of Ryan Bang and Kim Chiu. This Comedy-Horror flick is Directed by Tony Y Reyes and released under Star Cinema.

The story revolves around Carmel (Kim Chiu), isang paranormal expert wannabe, na nakiteam up sa kanyang best friend na si Jeje (Ryan Bang) para bumuo ng squad ng mga ghostbusters kasama ang kanilang mga kaibigan para maisalba ang mareremata nilang bahay. Nakakilala si Carmel ng isang mayaman na Arkitekto (Enzo Pineda) na nag-hire sa kanilang group para paalisin ang masasamang spirit sa bahay nya. Kahit takot, tinanggap nila Carmen ang offer dahil sa malaking perang kapalit pero hindi nila alam trap pala ito sa kanila at may totoong mga multo sa bahay sila na kakaharapin. Paano sila makakatakas at paano haharapin ni Carmen ang multo ng kanyang nakaraan?


Alam kong nagbabasa kayo ngayon kasi gusto nyong malaman kung dapat nyo ba tong panoorin o waste of money lang. Maganda ba ang pelikula o sakto lang? 

I love Kimmy. I watched most of her shows, movies and supported most of her projects. Bride for Rent and Paano na Kaya are two of my favorites Kim Chiu movie. Sobra ako diyan kinilig. But I need to be honest sa review ko, nakakatawa ba yun movie? YES! maganda ba yun movie? NO. 

Entertainment-wise may mga eksenang natawa naman ako lalo na kapag nagbabatuhan sila ng double meaning words marami rin naman eksenang nakakatawa talaga actually. Natawa ko sa mga eksena ni Lassy, ok rin ang timing ni Kim. Plus may MAYWARD pa - Yes I'm a MAYWARD fan kaya nanood rin ako nito talaga on its first day.


So what went wrong? Bakit hindi ako nagandahan?
1. Panget ang dubbing/audio, parang hindi tugma sa bibig nila un boses parang may mali i dont know. May time rin na shakey yun camera. Parang hindi naedit ng maayos yun movie.
2. Acting - Alanganin ang akting. May eksenang sobra, may eksena rin na salat. Sobra na OA na yun akting, salat dahil ang panget ng akting lalo na ng supporting cast. Magaling si Kim pero hindi ang support kaya hirap ng batuhan ng jokes. Worst Ryan Bang movie, i love Ryan lalo na sa Lizquen movie nakakatawa siya pero dito sa movie na to, very lousy ang acting nya. ang panget ng batuhan niya ng mga lines. wala silang chemistry ni Kim. He doesn't fit the role for me. Sana iba na lang yun kinuha for the role. Awkward ang akting nya. Ok lang sa kanya yun last scene nun patapos na but 90% of the movie, I didn't enjoyed his performance. Ang haba ng mga lines nya na seryoso eh alam naman nating hirap yun tao magtagalog kaya feel mo yun struggle ni Ryan sa pag deliver ng lines. Ok sana kung punchlines baka mas nakakatawa pero serious yun bato nya ng mga lines eh. Hindi rin nakakatawa dito si Moi, Parang mas nagshine dito si Lassy. Si Pepe, not so din. Nakaw eksena si Melai, maliit yun exposure pero nagmarka.
3. Story - sakto lang pero not something na I need to pay sa sinehan para panoorin siguro. Ang mahal ng sine. I don't think na worth it ang 200-300 ko dito. For me hindi sulit. Para ka lang pumasok sa horror house tapos magtatakutan kayo ganun lang. Hindi siya yun effects talaga
4. Kim - i feel yun trust na binigay nya sa production, ginawa lang nya kung ano inutos sa kanya but i don't know if satisfied siya sa finish product. ok yun akting ni Kim unfortunately Wala lang talaga sila chemistry ni Ryan, weak ang cast, weak ang story.
5. Mayward - i'm a mayward fan, hindi meaty yun roles nila. Mas marami pa nga exposure sila Lassy Mois at Pepe kesa sa kanila. siguro mga 30-40% lang sila ng movie. May isang eksena na kinilig ako pero hindi kasi major yun role nila kaya konti lang exposure. Sana binigyan sila ng mas magandang project kasi nasubukan na nila magbida sa pelikula. Solo movie for Mayward please. This is not a mayward movie. pinahabang cameo role pwede pa.

Rating: 2/5

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib