Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]

Done watching yesterday at Robinson's Galleria. I went their having no expectations since lets be honest previous JADINE movies ay hindi ganun kaganda for me or hindi rin naging super blockbuster talaga after "Diary ng Panget", gusto ko lang makita si James.

"Never Not Love You" is a story of making choices and how those choices affects us, how people evolve and change, and how these changes affects the relationship. It is about finding your happiness without losing your identity.

Mapangahas ang pelikula, very independent and free ang storytelling, binigyan nya ng mas makabuluhang pagtalakay ang isa sa mahirap na issue sa relasyon - dealing between career and love. Indie Film ang dating ng cinematography, walang madaming actors na involved like "That Thing Called Tadhana" lang - focus lang yun story between Gio and Joanne. First part ng movie, nakangiti lang ako, hindi maiwasang kiligin most of the time - ibat ibang kilig yun mararamdaman mo may kilig na nakasmile ka lang at may kilig na kasama nang tili ganung level hahaha. Next part, transition stage. shocking! Reality na ito!!! Sasampalin ka ng realidad. Tagos ang mga movie lines lalo na yun mga heavy scenes ang sakit. Hindi mo namamalayan nasa mundo ka na pala nila Gio at Joanne. Nakakaiyak lalo na yun breakdown scene ni James and yun confrontation scene nila ni Nadine, masasabi mong, ako to! nangyare saken to, totoo lahat ng pjnakita sa pelikula. Makakarelate ka sobra. Ang maganda lang kasi sa JADINE wala silang apprehension pag gumagawa ng project. They are fierce actors na kayang gawin yun mga hindi magawa ng normal na love teams, walang image na pinoprotektahan kaya ang ganda ng naging outcome ng pelikula. This movie is tailor-made for Nadine and James. They gave justice to their characters. Hindi ko siya maimagine na gawin ng ibang loveteam. Mature ang atake ng pelikula, may mga lines na inapproriate for kids pero part yun ng movie, hindi siya bastos tignan. I would like to commend James Reid sa movie na to, JAMES DESERVES AN ACTING AWARD ON THIS MOVIE. Brilliant performance. Ginulat nya ko lalo na sa breakout scene, damang dama mo mga lines nya. May lalim yun acting ni James sa pelikula. Hindi lang mukha ni James ang magugustuhan mo sa movie kasi given na yun (pero sa movie na to "extra Hotness at super gwapo" ni James as in nagdala siguro yun tattoo haha) pero in fairness sa acting nya, magalin, mahusay, may lalim. While watching iwiwish mo na sana magkaroon ka ng "GIO" sa buhay mo. Handang isacrifice ang lahat for LOVE. Si Nadine hindi rin nagpahuli sa movie, ramdam ko yun scene na nasasaktan siya at naiiyak sa bar pero hindi nya mailabas..walang dialogue..facial expression lang. Galing ni Nadine dun. 2 THUMBS UP for Direk Tonet Jadaone, hindi mo binigo ang moviegoers. Matalino ang pagkakagawa ng pelikula, pinag isipan, gusto ko yun konsepto mo ng realidad. Hindi mo dinadaya ang kwento para lang kumita, pero yun ang nagpapaganda, yun bali ng pelikula. You just execute scenes based on your perspective and boom! RELATE ang lahat! I just noticed one thing which I think kailangan sa movie since this is an adult romantic-drama, kulang ng lovescene, this adds flavor sa movie. An artistic love scene is a must sa pelikulang to. But overall, I enjoyed it kahit after matapos ng movie tulala ka, and sasabihin mo na lang well thats life..reality bites!

"Never Not Love You" is by far the BEST JADINE PROJECT to date! Fierce and Bold! Ang tagal ko tong hinintay yun magkaroon uli sila ng magandang project- JADINE fans this is it! Worth the long wait! Don't you dare missed it. If you're not fan of JADINE, after watching this I could say, JADINE fan ka na! Hindi pa rin ako makaget over until now so I'll watch again next week. Sarap ulit ulitin.

Rating: 4.5/5

VIDEO

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib