Lutang parin si KZ sa tagumpay na kanyang tinatamasa sa pagsali niya sa Singer 2018. "Sobrang saya na hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa suportang ibinibigay nila sa akin sana magtuloy tuloy lang" ayon kay KZ.
CS: Nakakaramdam ka na ba ng pressure sa susunod mong performances?
KZ: "Actually mas nag-lighten. Syempre pinakamabigat nun pagpasok ko. sobrang conscious ako sa ranking. Siyempre foreigner ka, hndi ka kilala dito compared sa mga chinese superstars na andito tapos may Jessie J pa. Feeling ko kailangan best performance ako lagi. Parang mas tinatanggap ko na ngayon kasi kung palagi ko iniisip yun mas lalo ako mahihirapan at hindi ko maeenjoy yun performance. So ngayon, parang mas focus ako sa sarili kong production number. Ginagawa ko best ko."
CS: Paano ang paghahanda na ginagawa mo sa contest?
KZ: "One week at a time. Pag alam ko ang kanta, tutok ako sa re-arrangement. Pag hindi ko alam ang kanta, mas matrabaho kasi kelangan muna dumikit yun kanta sayo bago ko isipan ng bali na pwede gamitin."
CS: Hindi ka ba nag-dalawang isip na sumali sa Singer 2018 since nasa peak ka ngayon ng career mo dito sa Pilipinas?
KZ: "Syempre nag dalawang isip kasi syempre it's a path no Filipino has ever been taken. Walang magsasabi na ito yun dapat mong gawin, ito yun hindi. Parang kami yun una eh so mahirap kasi hndi mo alam. Kasi dito sa Pilipinas natutuwa sila sa performance ko, pero sa China baka hndi nila matanggap. Pano kung pagbalik ko hndi na nila ako matanggap d2 sa Pilipinas. Andaming tanong. kahit na takot na takot ako, tumalon parin ako sa bangin na yun."
CS: Anong naging inspirasyon mo sa pagsali? Dream mo ba to?
KZ: "I wish for something like this to happen pero hndi ko to naimagine. Sobrang nakakalula. I'm just thankful sa mga nangyayare sa career ko ngayon."
CS: Ngayon pinapalakpakan ka ng mga manonood, sa likod ng tagumpay, may mga challenges ka ba na pinagdadaanan?
KZ: "Madami. Madami kasi iba ang culture nila, iba ang work attitude nila. sobrang iba!"
CS: KZ may time ba na gusto mo na sumuko?
KZ: "OO naman! oo naman.. Dumadating talaga yun. Para kang isda na nilagay sa isang aquarium na hindi mo alam sino ang kakain sayo o sino ang magiging kaibigan mo, parang ganun siya. Mahirap tsaka pressure saken nun simula sa pitong singers, anim dun superstar na ng China, pang pito dun si Jessie J, mahal na siya ng buong mundo bago pa siya pumunta ng china. Ako si KZ, Pilipinas lang nakakakilala sa akin!"
Watch my Youtube Video for KZ's Interview
No comments:
Post a Comment