
Yan ang tumatak na linya ni Ganda, character ni Liza Soberano in tonights episode ng Bagani, ang newest primetime show ng ABS-CBN. After 2 nights, finally I was able to catch tonight's episode ng Bagani. In tonight's episode, pumayag na si Lakas na maki join sa grupo ni Rakim (Christian Vasquez) kahit na labag ito sa kalooban upang masigurado ang kaligtasan ng ina. Ayaw nya makisama dahil ang grupo ay mga magnanakaw. Si Rakim din ang pumatay sa tatay ni Lakas at sa dating Pinuno nila na tatay nya. Ipinakita rin ang galing sa pakikidigma ni Lakas. In fairness kay Enrique ha, very intense ang mga fighting scenes nya at maganda ang pagkakagawa. Parang secret hero siya sa mga tao dahil niligtas nya sila sa kapahamakan. so when he joined na yun group ni Rakim, inutusan siya na maging daan para masakop nila ang mga taga kalakal. Ang balak nya ay kunin ang loob ng mga tao then aalamin ang daan para mabuksan ang lagusan. Nang pupuntahan na nila nagkaroon ng engkwentro between taga kalakal at isang grupo. Tinulungan ni Lakas ang mga taga kalakal sa pakikidigma. Muntikan na tamaan si Lakas ng kalaban nang biglang dumating si Ganda (Liza Soberano). Bilang pasasalamat, inanyayahan nya si Lakas sa isang pagtitipon. Yan ang aabangan bukas!
Matuloy pa kaya ang plano ni Lakas na kunin lang ang loob ng mga tao then bubuksan nya ang lagusan para sakupin sila ng grupo ni Rakim ngayong mukhang maiinlove siya kay Ganda??? Abangan natin bukas
Maganda ang cinematography at visual effects ng teleserye, halatang pinagkagastusan ng Kapamilya network. Fast-pacing rin ang istorya kaya walang nakakabagot na scenes. Gustong gusto ko mga fighting scenes, maaksyon parang Kenshin. Aside from it is a visually treat for the audience, punong puno ng moral values ang show which is good for its young audience. It teaches you how to Love,Respect, and Fight for what you Believe. Kudos to the creative team for this another masterpiece that should be shown not just here in the Philippines but around the world. Kaya rin pala natin makipagsabayan sa paggawa ng dekalibreng teleserye that we can all be proud of.
(Image: ABSCBN)
No comments:
Post a Comment