horror film ang hatid namin kundi isang bagong kwento na tampok ang isang bagong
karakter na tiyak tatatak sa isip at puso ng mga manonood”
Ganito ipinaliwanag ng batikang producer ng Regal Entertainment Inc. na si Roselle
Monteverde ang pinakaaabangan at kaisa-isang supernatural teen horror film na bahagi ng
Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, ang “Haunted Forest” na pinagbibidahan ng apat
sa pinakamahuhusay na teen stars ngayon na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal
Jon Lucas, Joey Marquez and Raymart Santiago with Special Participation of Miho Nishida
and Myrtle Sarosa.
Dagdag pa ni Roselle, na anak ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, “Kung ang
mga batang 70s, 80s, 90s at 2000s ay tinakot, hindi pinatulog at nag-enjoy sa mga hindi
matutularang kahindik-hindik na elementong tatak-Regal katulad ng manananggal, Aswang,
tiyanak, pridyeder, at undin, ngayong 2017 ay tamang panahon na para magkaroon rin ng
tatak-Regal na iconic horror character ang millennials at zentennials -- - ang Sitsit!"
Sa panulat ni Jeps Gallon at direksyon ng international award-winning director na si Ian
Loreños, iikot ang kwento ng “Haunted Forest” sa mag-amang Nica (Jane) at ang pulis
Maynila na si Aris (Raymart Santiago) at sa misteryosong gubat at isang kakila-kilabot na
elementong nakatakdang baguhin ang takbo ng buhay nila at ng mga bago nilang makikilala
sa probinsya.
Habang pinapanood mo yung movie, talagang mapapaisip ka kung sino or ano ba si Sitsit.
Tao ba siya? Engkanto? Halimaw? At kasabay ng viewers ang mga bida sa pelikula sa
pagtuklas sa totoong sagot dito. Para tayong sabay-sabay na pumasok sa Haunted Forest at
makikilala si Sitsit," pahayag ni Jeps.
Samantala, aminado si Direk Ian na naging isang matinding challenge para sa kanya ang
lumikha ng isang horror film na tatak-Regal.
"Nakaka-pressure but at the same time honored na magtrabaho with Regal, a pioneer in the
film industry, lalo nat gagawa ako ng isang horror film, na walang dudang forte ng Regal.
Pero ang big challenge para sa akin ay ang makalikha ng isang horror film na hindi lamang
magpapatuloy ng sikat na tradisyon ng Regal kundi mag-iiwan rin ng marka ko sa pelikula"
ani Direk Ian.
"Ngayong Pasko, dadalhin natin ang audience sa isang lugar kung saan lahat pwedeng
maging biktima o maysala. Hindi lang takot ang meron sa Haunted Forest, masasalamin
rin dito ang buhay nating lahat -- - mapapaisip tayo tungkol sa pamilya, pagkakaibigan, pag-
ibig at sa kung ano nga ba ang pinakamahalaga sa ating buhay," paliwanag ng direktor.
Bukod sa Regal teen stars, bahagi rin ng detective teen horror na “Haunted Forest” ang mga
batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok rin sa cast sina Jerald
Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, Fiona Yang at
Kelvin Miranda.
Sino nga ba ang kinatatakutang “Sitsit” na susubok sa tibay ng samahan ng mag-amang
Aris at Nica at ng magkakaibigang Nica, Mitch (Maris), RJ (Jameson) at Andre (Jon)?
Humiyaw! Manginig! Umibig. Matuto. Huwag palampasin ang official entry ng Regal
Entertainment Inc. sa MMFF 2017, “Haunted Forest” na mapapanood na sa mga sinehan sa
buong bansa sa December 25!
Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa Haunted Forest,
bisitahin lamang ang mga official social media accounts ng Regal:
Facebook.com/RegalEntertainmentInc/,Twitter.com/regalfilms
at www.instagram.com/regalfilms50.
No comments:
Post a Comment