Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Lubos ang kagalakan ng mga fans at taga suporta ni Anne matapos masilayan ngayon ang ilang larawan kuha sa idinaos na Pre-Wedding Party nila Erwann at Anne sa Arthur's Point na sobrang ganda ang view, makikita dito ang South Island Lake Wakatipu at Southern Alps. Trending ang event at bumaha ang pagbati sa social media para sa magkasintahan  ngayong araw.

Lumabas si Anne suot ang isang bohemian-inspired dress mula sa sikat na designer na si Vera Wang at tinernuhan nya ito ng isang heart-shaped na sunnies. Kasama ni Anne ang kanyang glam team, ang make up artist na si Robbie Pinera at ang hairstylist na si Raymond Santiago, na tumulong sa kanya para maachieved ang laid-back look.

Si Erwan naman ay naka brown suit at homburg hat. Very fashionable couple talaga ang dalawa.

Finally wala na nga raw single sa pamilya sabi ni Solenn na labis labis na nagagalak dahil madadagdagan ang kanilang pamilya. Kasama ni Solen ang asawang si Nico Bolzico. Bukod sa mga kaibigan at kapamilya sa loob at labas ng showbiz, kabilang sa mga dumalo ang ay It's Showtime co-hosts ni Anne na sila Vice Ganda, Vhong, Jugs, Teddy, Kuya Kim, Ryan Bang, at Karylle kasama ang kanilang mga asawa. Naroon rin ang matatalik na kaibigan ni Anne at Erwann na sila Isabel Daza at Adrien Semblat, Georgina Wilson, Tim Yap, Raymond Gutierrez, Nix Alanon, Rajo Laurel, Mark Nelson, Cheska Kramer, Danica Pingris, Dra Vicky Belo kasama si Doc Hayden Kho at ang bubbly little girl na si Scarlet Belo.


Nakatakdang ikasal sila Anne and Erwann this weekend sa Queensland, New Zealand. Official Hashtag ay #TheWanforAnne.


Watch Pre-Wedding Highlights Video Below













No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib