Idinaos ngayong gabi October 21 ang Grand Premiere Night ng TRIP UBUSAN sa Cinema 7 ng SM Megamall na pinagbibidahan ng trio na sila Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na hango sa kanilang role sa Kalyeserye ng sikat na noontime show na Eat Bulaga kung saan sila ay mas kilalang bilang Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora mula sa Direksyon ni Direk Mark A. Reyes V.
Star-studded ang event na dinaluhan ng buong cast at produksyon kasama sina Angelika Dela Cruz, Ryzza Mae Dizon, Arthur Solinap, Lovely Abella, Taki Saito, Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Shaira Mae Dela Cruz, Archie Adamos, Jayvhot Galang at si Caprice Cayetano. Kasama nilang dumating ang kanilang mga pamilya, kaibigan, press people, at selected fans. Punong puno ang loob at labas ng sinehan, maraming tao ang nag-aabang, marami na ang nakatayo sa baba sa kagustuhan na mapanood lang ang pelikula kasama ang kanilang mga idolo.
Isa sa highlight ng gabi ay ang pagdalo ni Maine Mendoza o mas kilala bilang si Yaya Dub, na may maikling parte sa pelikula. Hindi nakadalo si Alden Richards. Full support rin si Bossing Vic Sotto at ang asawang si Pauleen Luna na magkasamang dumating sa premiere night. Tawang tawa ang mag asawa sa pelikula, obvious kasi 3 upuan lang pagitan namin nanood at kitang kita ko sa kanilang mukha ang saya sa panonood.
Subalit hindi lang si Bossing at Maine ang natuwa, dahil buong audience kanina ay walang "ubusan" rin ang kakatawa sa mga eksena sa pelikula. Maraming mga nakakatawang eksena ang mga Lolas, gusto ko yun bangayan nila with Angelika at kung paano sila nakipaglaban sa mga zombies.Ibang iba ito sa napapanood natin sa TV kaya dapat nyong panoorin ang pelikula. Masasabi kong sulit ang ginastos sa pelikula kasi ang gaganda ng mga shots ni Direk Mark, walang boring na scene - tawa, iyak, at aksyon - kumpleto. Akala ko noon una tatawa lang ako kasi dun sila kilala pero I underestimated this film, punong puno ng aral at puso yun movie - about life, relasyon sa pamilya, relasyon ng magkasintahan, ng mag-asawa, ng magkapatid, lahat makakarelate at paiiyakin kayo this time ng mga Lolas. Hindi ko inexpect na nakakaiyak siya, may kurot eh. Gustong gusto ko how the movie ended mahusay si Wally doon at si Caprice. Pero lahat naman sila nabigyan ng exposure at time to shine dahil bawat characters ay may kwento, alamin nyo na lang paano nagtagpi tagpi at nagkrus ang kanilang mga landas at paano nila hinarap ang mga zombies. Laughtrip talaga ang mga Lolas as in. Pang MMFF sa ganda ang pelikula.
"TRIP UBUSAN" showing in cinemas nationwide on November 22,2017. Bukas na!
No comments:
Post a Comment