Manila, Philippines - She’s back!!! Yes, Fiercer, mas palaban na Angel Locsin ang
tumambad sa mga taga subaybay ng Top Rating teleserye na La Luna Sangre kagabi,
matapos siyang ipakita na bumababa sa eroplano sa huling scene ng nasabing serye.
Gagampanan ni Angel ang role bilang si Jacinta Magsaysay.
Isang Political Analyst na kakailanganin ng Supremo( Richard Gutierrez) para Manalo
sa Pagkapangulo. Excited ang mga fans sa muling pagbabalik ni Angel at sa muling pagsasama nila ng dating ka Loveteam na si Richard Gutierrez. Kaabang abang ang
bagong karakter na babago sa takbo ng istorya. Siya ba ay kalaban o kakampi?
Pwede rin na siya si Lia na nagkukunwari lang na si Jacintha, kasi hindi naman
pinakita na namatay talaga sila ni Mateo noon pinatay sila ng Supremo so
malaking chance na buhay sila dahil immortal sila di ba? Pero this time,
naniniwala ako na magfofocus sa love angle nila ni Richard ang kwento,
paiibigin nya ang Supremo para makaganti for sure kakikiligan to ng mga viewers
or pag hindi nag click, irereveal na sya ang nanay ni Malia, at pag nagclick
sila ni Richard naku baka panindigan ng writer na si Jacintha ay kamukha or
kakambal ni Lia lang hahaha. Si John Lloyd ba ay magbabalik rin? Posible daw sabi ng writer since fantaserye ang soap.
Ayon sa writer na si Henry Quitain, main character daw si Jacintha Magsaysay at hindi Guest. Sa kasalukuyan halos nasa 480 stars na ang
teleserye sa dami ng pumapasok at pinapatay na artista parang “Ang Probinsyano”
lang. Nagpasintabi daw si Angel kay Kathryn sa pagbabalik nya sa serye at
mukhang masaya naman daw ang aktres sa muli nyang pagpasok. Posible daw na magbalik
ang tapatan ni Angel at Maricar Reyes bilang Samantha Emperial na kababalik
lang din ang role. Ayon kay Angel, gusto nyang subukan maging kontrabida sana
pero kung ano ang hinihingi ng serye, kaya gusto sana nya something new ang
role since greyish yun character ni Jacintha.
May bulong bulungan na magtatapat ang serye nila ni Marian
Rivera pag nagkataon pero wala naman daw sa kanila yun ni Marian kaya hindi
problema.
Mas lalong pinalaki at pinaganda ang La Luna Kaya abangan natin ang mag susunod pang tagpo sa nangungunang teleserye sa primetime bida ng ABS-CBN. Welcome back Angel!
No comments:
Post a Comment