PAINIT ng painit ang summer season kaya naman sizzling hot din ang latest chikahan on Korina Interviews this April 27, Sunday, 6:00 p.m. only on Net25.
Super bigatin at very special ang guest ng beteranang broadcast-journalist na si Korina Sanchez-Roxas — ito ay walang ina kung hindi si Ms. Charo Santos-Concio.
Pag sinabing Charo Santos — mga kuwentong buhay ng bawat Pilipino ang unang naiisip ng lahat ng mga tao!
Pero maliban sa pagiging top network executive, aktres, at host alam ba ninyo na minsan din siyang naging beauty queen, production assistant, at sundalo?
Ano ang nga aral na kanyang natutunan sa kanyang buhay?
Alamin kung sino ba talaga si Charo Santos-Concio sa likod ng camera only on Korina Interviews!
###
No comments:
Post a Comment