Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]


Uunahin ng rising stars na sina CK Kieron at Vivoree Esclito ang musika ngayong 2019 sa opisyal na paglulunsad ng kanilang joint debut album sa ilalim ng Star Pop sa SM North EDSA Skydome ngayong Biyernes (Enero 25).

Tiyak na matutuwa ang KierVi fans na kabilang sa inaabangang “CK & Vivoree” album ang awiting pinamagatang “May Tama Ka.” Ang Star Pop head na si Si Rox Santos ang siyang over-all album producer nito.  

Handa na ang Hashtags member na si CK at ang dating Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate na si Vivoree para sa inaabangang launch, higit isang buwan lang mula noong contract signing nila sa nasabing ABS-CBN Music record label at kasunod naman ng paghirang sa kanila bilang MYX Celebrity VJs ngayong buwan. 

Noong nakaraang taon, sumikat online ang “Rewrite the Stars” cover ng KierVi loveteam at nagbigay daan ito para sa inaabangang recording ng dalawa.

Abangan ang musikang handog nina CK at Vivoree sa SM North EDSA Skydome ngayong Biyernes (Enero 25), 6 PM. Para sa tickets, tumawag sa 415-2272 local 3420 o 3442. Maaari na ring i-download ang "May Tama Ka" single sa digital stores worldwide. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib