Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]

Ito ang isa sa mainit na balita na pumutok ngayong linggo matapos diumano'y nagkainitan sa set si John Estrada at Mylene Dizon, kapwa bida sa Primetime Teleserye na "The Good Son". Ayon sa PEP, nabastusan daw ang aktres sa asal ng aktor kaya hindi nakapagpigil at nasampal nya si John. Matapos ang insidente, hindi na raw pumupunta sa taping si John at ito daw ang dahilan kung bakit papatayin na ang kanyang karakter sa teleserye.

Matapos ang ilang araw ng pumutok ang balitang ito, isinulat naman ng isang koluminista sa Bulgar na si John daw ang nanakit sa aktres. Ayon daw sa source ng writer, sinikmuraan daw ni John si Mylene na ikinagulat ng aktres. Humingi daw ng paumanhin  ang aktor pero bago ito may insidente rin daw na nasampal rin ng aktor si Mylene na ikinairita nya. Ayon sa report, may personal na problema ang aktor na pinagdadaanan at maaaring nadadala na lang sa set ang problema.

Dahil sa naglabasang ulat, nagbigay si John ng pahayag sa kanyang instagram upang depensahan ang kanyang panig. 


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib