Full width home advertisement

Fashion

Lifestyle

Post Page Advertisement [Top]





Mula sa simpleng paghahanap ng alahas, nauwi sa isang makabuluhang balik-tanaw sa kanyang buhay ang pagbisita ng beteranang aktres na si Amy Austria kay Charo Cordial ng Maddox Jewelry.


Naghahanap lamang noon si Amy ng simple at eleganteng diamond jewelry na maaari niyang isuot araw-araw. Aminado ang aktres na hindi siya gaanong mahilig sa alahas at kadalasan ay ang kanyang asawa ang nagbibigay sa kanya ng mga ito bilang regalo.


Habang tinitingnan at sinusubukan ang iba’t ibang natural diamond pieces, naibahagi rin ni Amy na nakapunta na siya sa ilang jewelry stores at minsan ay hindi naging maganda ang kanyang karanasan nang magtanong siya tungkol sa discount.


“You just want the worth of your money,” ani Amy.


Hanggang sa may nagrekomenda sa kanya na subukan ang Maddox Jewelry. Nang makita niya ang ilang diamond pieces at ang presyo ng mga ito, hindi niya napigilang mapahanga.


“Oh, it’s true!” reaksyon niya. “It makes you happy just by looking at it.”


Ngunit mula sa usapang diamonds, napunta ang kuwentuhan nina Amy at Charo sa mas personal at makabuluhang bahagi ng buhay ng aktres—ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bago marating ang tagumpay sa showbiz.


TATLONG TAONG GULANG PA LANG, NAGTATRABAHO NA


Hindi pangkaraniwan ang naging childhood ni Amy.


Tatlong taong gulang pa lamang siya nang matuto nang kumita para makatulong sa kanilang pamilya.


Ikinuwento niyang sinasamahan niya noon ang kanyang ina sa Roxas Boulevard, na kilala pa bilang Dewey Boulevard. May dala siyang kahon ng chewing gum na kanyang iniaalok sa mga dumaraan.


“I was only 3 years old then,” pagbabalik-tanaw niya.


Dahil naaaliw umano ang mga tao sa kanya, may ilan pa raw na nagbibigay na lamang ng pera kahit hindi na kumukuha ng chewing gum.


Nang tanungin ni Charo kung may kaya ba ang kanilang pamilya noong mga panahong iyon, diretso ang sagot ng aktres.


“No. It’s hard. Super.”


Taxi driver ang kanyang ama habang buy-and-sell naman ng iba’t ibang bagay ang kanyang ina. Simple rin ang kanilang tahanan na malapit sa ilog at wala pa silang sariling maayos na banyo.


MAAGANG NATUTONG MAGING RESPONSABLE


Pagsapit ng anim na taong gulang, nakitira si Amy sa kanyang tiyahin na isang teacher upang makapag-aral. Dahil kapos sa buhay ang kanyang mga magulang, kinailangan niyang matutong tumayo sa sariling paa sa murang edad.


Bago pumasok sa eskuwela, alas-kuwatro o alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na siya upang maglinis ng bahay at kanal at magluto.


Pagkatapos maligo, kailangan din niyang labhan agad ang kanyang damit. Bago siya makapag-almusal, dapat ay tapos na ang kanyang mga gawain.


Mahigpit man ang kanyang pinagdaanan, naging malaking bahagi naman ng pagkatao ni Amy ang mga aral na natutunan niya noon.


Hanggang ngayon, dala niya ang pagiging malinis, maayos at organisado.


“I don’t want it to be messy,” kuwento niya, isang ugaling nadala niya maging sa kanyang trabaho.


MULA SA CHEWING GUM PATUNGO SA SHOWBIZ


Malayo na nga ang narating ng batang minsang naglalako ng chewing gum sa kalsada.


Sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz, isa sa mga pelikulang nagbigay kay Amy ng pagkakataong maipakita ang kanyang pambihirang acting talent ay ang “Brutal,” sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya, kung saan ginampanan niya ang karakter na Monica.


Sa halip na akuin ang lahat ng papuri para sa kanyang pagganap, nanatiling humble si Amy at binigyang-kredito ang kanyang direktor at ang mahusay na script.


“I was lucky to get the role of Monica in ‘Brutal,’” ani niya.


Para kay Amy, malaking bahagi ng tagumpay ng isang aktor ang materyal at gabay ng direktor. Aniya, kung sina Nora Aunor o Vilma Santos ang nabigyan ng parehong role, maaari rin nilang bigyang-buhay at pagandahin ang karakter.


HIRAP NA NAGING LAKAS


Mula sa batang tatlong taong gulang na nag-aalok ng chewing gum hanggang sa pagiging isa sa mga respetadong aktres ng Philippine entertainment industry, hindi kailanman ikinahiya ni Amy Austria ang kanyang pinanggalingan.


Sa halip, naging pundasyon ito ng kanyang pagkatao—ang sipag, disiplina, pagiging simple at pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon siya.


At marahil, iyon ang tunay na ningning na hindi matutumbasan ng kahit gaano kagandang diamond.


Para sa iba pang updates, sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib